Yung Atin
Napatigil ako nung nabasa ko yan.
Iniisip ko kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang yan
Kasi naaalala ko noon ang sabi mo, "walang tayo"
Pero bakit parang sa salitang nabasa ko naramdaman kong
"may tayo"
O baka naman mali lang ako ng pagkakaintindi sa sinabi mo \
Dahil sinabi mo sakin dati “wala naman yung atin”
Sinabi mo, alam naman nila Tapos tinanong kita
"alam nila ang ano?"
Dun mo sinabi yung mga salitang
"yung atin"
At tinanong ulit kita, "anong sinabi mo?"
At sinagot mo ulit ako ng "lahat satin"
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sinabi mong mayroong satin O masasaktan dahil baka ako lang ang nag-iisip na mayroong satin
Alam naman natin sa isa't isa na hindi pwede, na mali ang lahat Na ang dapat nating gawin ay kalimutan na ang lahat Sinisimulan ko ng kalimutan ang lahat ng nangyari satin Ngayon, sinasabi ko sa sarili ko na hanggang dito nalang yung atin.
Dahil Ikaw at ako nalang ang makakaalam kahit hindi klaro kung ano nga ba "Yung atin"
---- Thank you for dropping by. 💙 Stay healthy, happy and blessed!! Spread the love. Share a smile! Have a haoppydays!
---
YungAtin-CamilleT.@haoppydays2017
ALLRIGHTSRESERVED