top of page

Isa, Dalawa, Sampu.. XX


"Isa, Dalawa, hanggang Sampu."

Hindi pa ako handa..

Hindi ako yung nagbilang.. ngunit nakatago kana.

Ako yung Araw at sa pag lubog ko, dala nito'y kadiliman..

Pagod nako..

Paano na?

Kaya ko ba?

Kakayanin ko ba?

Isa dalawa hanggang sampu ang bilang ng dumating ka..

Binigyan ako ng pagasa .. Kaya't ako ay Umasa.

Sa iyong mga mata ko unang nakita ang liwanag na di ko akalaing kailangan.

Inalis mo ang takot na dala ng kadiliman Hinayaan mo akong maging sentro ng langit mo. Isa isa kong pinagdikit dikit ang tiwala, respeto at ang mga pangako mo ay ipinorma ko pa ng hugis puso kagaya ng damdamin kong tapat sayo.

Hinintay na may patunayan sa mga salitang natanggap at tinanggap. Pinag laban ang hinala at katotohanan.. Sa huli, wala din palang pakialam dahil ikaw din ang magtatagumpay.

Nagbilang ka ng isa dalawa hanggang sampu..

Hindi ko alam kung para saan..

At anong hantungan. Ang mga bituin na inipon ko mula sayong mga mata ay isa isang naglalaho hanggang sa tuluyan ng nilamon ng liwanag na dala ng buwan..

Ngunit bakit? Saan na napunta?

Matatapos nakong buiin ang akala ko'y nakatakda..

Hindi pala tinadhana.

Hindi mo ba nakita?

Saan kaba nakatingin?

Bakit ngayon pa?

Kung kailan maliwanag pa at sampu na din ang susunod kong bilang. Bakit? Naguguluhan ako. Hindi ko malaman kung hinahanap mo ako.. kahit alam kong ako naman talaga yung taya. Ako yung nataya. Nasan kanaba? Hinahanap mo ba ako? Hahanapin mo pa ba ako? Nahihilo.. Nalilito.. Asan ba ako sayo? Aasa pa ba ako? May pagasa pa ba o bagyo nalang ang hatid habang inaawit ang kantang ito?

Nasalanta na ang labanos.. mustasa hanggang linga ng bahay kubo kung saan tayo unang nagkita.. Patapos na rin akong makipag patintero sa ating tadhana.. Ngunit wala ka parin.

Akala ko ba ay hihintayin mo ako? Hinintay kasi kita..

Kahit Langit at Lupa pa ang agwat..

Hihintayin kita.. Sa paraang alam ko..

Magbibilang ulit kahit alanganin.

Sana lang sa pag tapos ng huling numerong bibigkasin, Hindi pa huli ang lahat..

Ako ba talaga ang taya? Ako lang ba talaga ang tumaya?

Sa larong walang kasiguraduhan Sa katagang Ikaw at Ako..

At ang wakas din pala ay Ikaw at sya.

Walang ako. Walang tayo.

Ako ng talo Kayo ng panalo

Kasi may Kayo

Natagpuan na kita sawakas!

ngunit iba na ang iyong nahanap.

Iba na rin ang nilalaro mo.. Ninyo.

Sana lang wag yung damdamin nya kasi alam ko kung gaano kasakit.

May pagkukulang ako alam ko

Pero dahilan ba yun para mag Leron Leron, Sinta?

At nang ikaw ay nagbalik..

Nasilaw ako sa muling pag litaw ng pangakong

iginuhit sa mga bituin Nasilaw ako pagkat nasanay nako sa dilim.

Hindi nako takot sa dilim Kahit pa ang dilim ang dahilan ng mga sugat ko..

Nasaksak mo man ang puso at tumulo na ang dugo..

Hindi na din halata dahil,

Ang dilim naman ang naging sandalan ko..

Habang sugatan dahil sa pagkakadapa.

Ang dilim na hindi ako hinusgahan kahit gaano pa ako ka miserable Ang dilim na tumanggap at nagtago ng aking pinagdadaanan.

Sa huli Ako rin naman ang may kasalanan nito..

Hindi ba? Sabi ng Nanay at Tatay hindi Laro ang Pag-ibig. at ang payo ng Ate at Kuya.. hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo .. Kailangan din minsan ay pinaghihirapan mo. makuntento sa kung anong meron ka, dahil minsan .. mas lamang ka pa sa iba. buksan mo lang ang iyong mga mata. Kung noon palang pala ay niyakap ko na ang kahinaan kong nabalot ng kadiliman hindi na sana ako nagpabulag sa liwanag mo.

Ngayon alam ko nang kailangan kong lumubog para magpahinga,

Isa Dalawa Tatlo Apat Lima Anim Pito Walo Siyam Sampu...

Sana ganon lang kadaling kalimutan ang lahat na pagabot ng sampu ay nakatago na din ang bakas ng kahapon.

Kahapon kung saan may Ikaw..

Na wala palang Ako.

Nauubos na ang lakas ko..

Nanghihina na ako. gagamitin ko parin ang natitirang lakas upang bumilang ng Isa dalawa kahit pa hindi na umabot ng Sampu.. Dito..

Sa kung ano mang huling numerong mabanggit,

Ako'y muling babangon...

Kailangan kong magtiwala sa sarili ko at sa Dakilang lumikha.

Sa muling pagsikat ng araw..

Gusto kong malaman mo na kinaya ko..

Di ko pala kailangan ng isang tulad mo..

Dahil kahit isa lang ako,

Ang dala ko palang liwanag ay tanda ng bagong bukas..

Kung saan wala ng wakas. Iiwanan na lahat ang mga bakas.

Hindi mo na kayang ibalik lahat kahit ang bilang mo pa ay

Sampu... Siyam hanggang Isa.. Ayaw ko na. Tama na.

Harley

Ang mga tanong na hindi na nasagot o masasagot Iiwan ko na.. Hanggang dito nalang. Di ko na kailangan. Parang kahit malaman ko pa ang sagot, Bagamat Sinadya mo man o hindi,nakasakit ka pa din., At kahit ilang bilang ng patawad ang sabihin ang marka ng sugat na naiwan ay kita padin. Kaya't Para sa Bagong Simula.. Ang Simula na Walang Ikaw.. Oo, Ikaw naman ang aalisin ko. tapos na din akong laruin ang laro na ikaw ang nagsimula. Ito na yung Simula na hindi magtatapos kahit bilangan mo pa ng, Isa, Dalawa hanggang Sampu.. --------- LESSONREALLYLEARNED (Part 4)

You left me playing the game that you've started. Oh, Yes mga kapatid wala na akong pinagdadaanan HAHAHAH. naisip ko lang to.. kasi hanggang ngayon.. WALA PADING FOREVER SA HAOPPYDAYS. sorry.. pero sana nagustuhan nyo.. happy reading! Godbless.. Peace.

---------

happy reading! <3

Stay Healthy, Beautiful and Blessed!

Spread the love! share a smile.

Have a haoppyday!

IsaDalawahanggangSampu@lovemeeenot2016

All Rights Reserved. Copyright S.Y 2014

You Might Also Like:
bottom of page